Doon

dscf3030

Sabi ko doon hintayin mo ako
Doon dapat hihintayin mo ako
Pero kung ayaw mo, eh edi wag doon

Doon nalang sa iba
Doon sa kung saan mas komportable ka
Doon nalang sa kung saan mas malapit ka
Doon nalang sa kung saan masaya ka
Doon nalang sa kanto na sanay ka
Doon nalang sa kantong paborito mo
Doon sa daanan na gamay mo
Pero kung ayaw mo parin, eh di wag doon

Doon nalang ulit sa kung saan
Doon sa dapat na hintayan
Sa hintayan na napagusapan
Doon hihintayin mo ako
Sabi ko doon hintayin mo ako
Pero kung ayaw mo, iba nalang

Iba nalang ng hintayin mo
Kasi tutal di nga doon sa napagusapan
Hindi doon sa napagusapan ang gusto mo
Hindi doon sa pinagplanuhan ang gusto mo
Hindi doon sa pinakamalapit ang gusto mo
Hindi doon sa alam kong gusto mo

Ang gusto mo:
Doon, doon sa malayo
Doon, doon sa dulo
Doon, doon sa wala ako
Doon, doon kasama ng anino mo
Pero kung ayaw mo parin, eh di wag doon

Dito ka nalang sa tabi ko
Dito ka nalang malapit sa damdamin ko
Dito, malapit sa puso ko
Dito, sigurado, at sana gusto mo
Pero kung ayaw mo parin, eh
Eh di wag dito

Pero kung, baka sakali lang
Sakaling maligaw ka
Kung sakali lang
Balik ka sakin
Pahiram ko phone ko
IGoogle map natin
Hanapin natin ang destinasyon mo
Hanapin natin ang doon

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s